Tuesday, December 27, 2005

Episode 2: Jacket vs Payong

Umaga ulit at papunta pa lang ako sa UP. Umuulan ng araw na iyon at dahil sa wala akong mahanap na payong na maliit sa bahay minabuti kong kunin yung payong na malaki, yung may hawakan na parang hook at mahaba ito habang nakatiklop.

Sumakay ako ng jeep, dun ulit sa paborito kong upuan, sa may tabi ng pasukan. Ordinaryong mga pasahero ang mga nasa loob. Medyo siksikan dahil pinuno kami nung dispatcher.

Tuloy tuloy lang ang jeep, may mga pasaherong bumaba at sumakay dun sa ruta na dinadaanan nito.

Pagdating sa UP, dito na kami ng mga estudyante magsisibabaan.

Unang madalas na babaan ng mga studyante ay ang checkpoint na malapit kay oble.

Pumara ang isang studyante at nagsibabaan na ang mga tao na bababa rito. Una babae. Sunod lalaki. Lahat sila naka-jacket. Ako naman inggit dahil buti pa sila wala silang dala sa kanilang kamay dahil naka-jacket sila at malamang meron maliit na payong dala ang mga ito sa kanilang bag, samantalang ako itong malaking payong na kay hirap dalhin...

Sa aking pagmumuni-muni hindi ko napansin na ang huling bababang lalaki ang bulsa ng jacket ay sumabit sa hook ng payong ko. Lagot! nasa dulo pa man din ako na upuan at sa pagbaba ng lalaking ito unti-unting umandar ang jeepney.

Nag-isip ako agad. Hindi ko na magawang parahin ang jeep dahil hindi ito pumasok sa aking isipan. Naisip ko na itulak papunta sa lalaki ang payong ko at baka bumitaw ang hook ng payong ko sa jacket niya.

Ginawa ko ito agad. Ngunit tinapakan na nang husto ng drayber ang accelerator. Lagot na talaga! Hindi na nagawang bumitaw ng payong ko sa jacket ng lalaki. At unti-unti nahahatak na yung lalaki habang umaandar yung jeep.

Hindi ko na magawang bitawan ang payong ko dahil ako ay nataranta na.

Sa dulo, napunit yung parte ng jacket niya kung saan sumabit ang payong ko.

Sigaw ako sa kanya “SORRY!!!” Tapos tago agad sa may gilid ng jeep para hindi niya ako matandaan.

Sa isip ko, masmabuti ng napunit ang jacket niya kaysa naman sa nakaladkad ko pa yung lalaki sa daan. Maslagot ata ako dun.

Tuloy-tuloy lang ang jeep at buti hindi napansin ng drayber ang mga pangyayari. Ngunit pagtingin ko sa mga taong nakasakay ng jeep lahat pala ay nakatingin sa akin. Hiyang-hiya tuloy ako.

Hinintay ko na lang makarating yung jeep sa may Faculty Center upang makababa na lang ako. Pero yung hintay na yun ay parang sobrang tagal dahil sa kaba at hiya na dinaranas ko.

Pagbaba ay lakad ako agad ng mabilis para hindi na ako makita ng mga tao sa jeep.

Natutunan sa araw na iyon:
Wag na wag na magdala ng payong hindi kasya sa bag at maslalong wag na magdala ng payong may hook dahil ito ay sumasabit kung saan-saan.

Masmatibay ang dala kong payong kaysa sa jacket niya. Japeyks ata yung jacket niya, payong ko may tatak. hehehehe!!!

4 Comments:

Blogger joelle said...

BWAHAHAHAHAHAHA!

kitam, mas masama ka talaga sakin.

naalala ko yung kinwento mo sakin yang bakla vs. bading na yan. the hell. gay lover. =))

yun lang. may kapalit 'to, huwahahahahaha.

matakot ka sa serial killer/rapist. :))

10:24 AM  
Blogger Josiah said...

Pasaway ka talaga kahit kailan joelle!!! Lagi na lang sa maling pwesto mo nilalagay yung mga comment mo... hehehehe!!!

ano naman kapalit niyan?

ate wag po, wag po! hahahah!!!:))

10:30 AM  
Blogger Unknown said...

you're so weird!!! why do these things happen to you!!! hahahaha! only sai!

7:21 PM  
Blogger Josiah said...

Ganyan lang talaga ang buhay... marami pangyayari... masweird ka kaya sa akin... hahahah!!! joke!

1:37 AM  

Post a Comment

<< Home